SANLIBONGAN (Santuwaryo)
Naunang itinanghal bilang “Ugpaanan”
Ito ay 45 minutong produksyon ukol sa kalagayan at hinaing ng kababaihang Lumad (katutubo) sa pamamagitan ng monologo, awit, musika at sayaw. Ang pagtatanghal ay testamento ng nagpapatuloy nilang pakikibaka na pangkaraniwan nang nalilimutan ng lipunan.
Kirot. Lungkot. Galit. Pagkilos. Ang “Sanlibongan (Santuwaryo)” ay pagsilip sa mga kuwento ng tatlong babae mula sa mga tribong Bagobo, Mandaya at Manobo ng Mindanao -- isang batang nawawala, isang nanay na may dugong katutubo at dayo, at isang matandang babaylan. Nagkita sila sa gubat na nag-uugnay sa Dabaw at Cotabato.
Ipinagdadalamhati ng tatlo ang sinapit ng mayamang lupaing kaloob sa kanila ng Maykapal. Hindi sila magkakakilala. Natagpuan nila ang isa’t isa nang sila’y ipagtabuyan mula sa kanilang pinagmulan. Ang mga salarin ay ang dambuhalang magtotroso, rantsero at militar ng gobyerno. Mapait ang salaysay ng tatlo. Gayunman, nabuo sa kanilang pagkikita ang tiwala sa isa’t isa, at ito’y inihudyat ng masiglang sayaw ng tatlo sa bandang huli. Ang sayaw ay nagpapakita ng lakas at tapang na luwal ng kanilang pagkakaisa. Handa sila upang harapin ang kinabukasan ng kanilang lipi.
Ang “Sanlibongan” ay kakatwa, malungkot at totoo.
Taong 1994 nang likhain ng tatlong kasaping babae ng Kaliwat Theater Collective, Inc. ang “Ugpaanan.” Malakas ang mensahe at malalim ang impresyong nabuo ng mga kuwento ng mga katutubong babae kina Eden Espejo, Marili Fernandez at Theresa Opaon. Silang tatlo ay lubog sa mga kulturang katutubo ng Mindanao – sa Agusan, Cotabato,
Sinulat ni Marili ang storyline at sequence treatment para sa isang cultural event ng kababaihan na tinawag na “Ova,” isang trilohiya ng mga pagtatanghal pangkababaihan, na inilunsad ng Kaliwat at Woven (Women’s Venue, isang grupo ng kababaihang artistang nasa nongovernment organizations).
Ang kuwento ng batang nawawala ay halaw sa itinanghal ni Marili sa
Sa loob ng ilang araw, pinagtulungan nina Marili at Theresa ang pagbubuo ng “Ugpaanan.” Una itong itinanghal sa
Taong 2003 nang ipalabas ito bilang isa sa mga dula ng “Ang Babae sa Ating Panahon” noong February Arts Month sa
Ang nagpalitang gumanap bilang bata ay sina Cora Gormin (isang Mangyan na miyembro ng grupong pangkultura sa
Sa unang pagtatanghal sa
Simple lang ang set design – isang major piece of furniture, malaking daybed na lilok sa antigong traviesa ng kilalang iskultor na si Rey Contreras. Dinagdagan ito ng mga tuyong sanga at dahon. Nagtayo din ng tradisyonal na bahay ng katutubo –isang tree house -- kaya may mga eksenang kailangang tumingala ang manonood. Ang mga upuan naman ng mga manonood sa harapan (parang kasama na rin sa set) ay mga troso.
Simple din ang epektibong pag-iilaw ni Ed Manalo. Ginamitan niya ng ilang moonlight effects at forest shadows ang iba’t ibang oras ng isang araw.
May iminungkahi rin ang mandudulang si Bonifacio Ilagan, isang epilogo para sa mas malinaw na pagkilos ng tatlong babae – ang paghahanap ng nanay sa baril ng kanyang kapatid, na nagpapahiwatig ng paghahanap ng katarungan o pagsali sa kilusang armado, depende sa interpretasyon ng manonood, at ang pagsang-ayon ng babaylan at bata sa ganoong hakbang.
Marso 8, dinala ng Kabataan para sa Tribung Pilipino ang “Sanlibongan” sa Betyawan,
Sa imbitasyon naman ng Kalipunan ng mga Katutubong Mamamayan, at bilang suporta sa Minority Rights Group International, ang “Sanlibongan” ay itinanghal sa Titus Brandsma Center sa New Manila,
Noong Abril 24, ang produksyon ay dinala sa Lameg , Quirino, Ilocos Sur para sa Cordillera Day. Umabot sa 3,000 ang nanood – mga katutubo ng Northern Luzon at Mindanao; at mga delegado mula sa iba’t ibang bansa ng Asia-Pacific,
Sa kabuuan, apat na rehiyon na ang pinagtanghalan ng “Ugpaanan/ Sanlibongan.” Halo-halo ang manonood – urban at rural, iba’t ibang sektor. Ang urban ay 2/3, ang katutubo ay 1/3. Laging may talakayan matapos ang palabas. Maraming hiling para sa pagpapalabas sa iba’t ibang lugar, sa mga kolehiyo, unibersidad at komunidad ng mga katutubo. May mga humiling din ng workshops at tulong sa produksyon para sa kani-kanilang grupo.
Pinatotohanan ng mga katutubong manonood ang buod ng dula. Ayon sa mga lider ng Aeta, ang ipinakita ng dula ay mga tunay na pangyayari. Sinabi ng isang babaeng datu ng tribung Manobo na may karapatan ang mga aktor na gumamit ng mga katutubong kasuotan. May ilang theater artists at katutubo ring nagtanong kung ang mga aktor ba ay taga-Mindanao.
Dahil ang produksyon ay isang advocacy work, laging may information materials o flyers na ipinamamahagi tuwing palabas. Hindi lamang playbill o souvenir program ang mga iyon. Sadyang isinama ang kalagayan ng mga katutubo at kababaihan sa materyales na ipinamigay.
Marami ang nagpahayag na namulat sila tungkol sa kalagayan ng mga katutubo nang napanood nila ang “Sanlibongan.” Marami rin ang naging interesado sa teatro bilang isang porma ng advocacy.
Ipinaabot ng aktibistang kababaihan ang galak sa pagpapahayag ng mga isyu ng kababaihan sa produksyon.
Kapuna-puna naman na ang ganitong produksyon ay mas nagugustuhan ng mga nasa rural kaysa urban. Maaari kayang dahil ang ganitong sining ay natabunan na ng maraming mapamimilian sa syudad?
--------------
“SANLIBONGAN (Sanctuary)”
By Marili Fernandez and Theresa Opaon
(In one corner, Felisa hums a lullaby while folding clothes and diapers. She talks to her husband. She expects to give birth any time.)
FELISA: Pumunta nga pala ako kina Piyaw kahapon. Limabasak idiayen (Dumaan na ako roon) mula sa bayan dahil kailangan na ng bateri nitong aking transistor… Hirap na kung hindi ko masusundan ang kwento ni Delia Salvador. Matektekanakon nga maammoan no ania iti napasamak iti daydiay kabalyona nga tinakaw ti mangmangkik nga dayta… (Sabik na akong malaman kung ano’ng nangyari sa kanyang kabayong ninakaw ng mga halimaw na ‘yan…) Alam mo namang ito lang ang napaglilibangan ko maliban sa pagbuburda. Kung lagi ka lang sanang narito, di… Hmmp! Ang aga-aga pa… Ituloymon dayta obram… (Ituloy mo na nga ‘yang ginagawa mo…) Ay, oo nga pala. Daytoy, immpabulod ni Piyaw kaniak dagitoy bado ken lampin ti ubbing… (Heto, pinahiram ni Piyaw sa akin ‘tong mga damit at lampin ng bata…) Malaki na talaga’ng naitulong ng kapatid ko sa atin mula nang napangasawa niya si Albert Tan. May tindahan sa bayan. Haaay. Gusto nga niyang tumira na si Udo sa kanya ngunit ewan ko ba riyan sa taong ‘yan… Aalis ka na? (Pauses from business.) Ket kaanoka nga agsubli? (At kelan ka naman makakabalik?) Kelan ba kita makikitang muli? Baka manganganak ako nang wala ka!… Sus, Merto, kailan kaya tayo mabubuhay nang tahimik?…
(As bombing occurs, lights fade in on another corner and the sound of bombing becomes louder. Igay, her arms covered with tattoos, hides herself and looks out if she’s left alone.)
IGAY: Ama… (Sees her father’s knife.) Ama… (Tries to cross to get her mother’s bracelet.) Ina… (Slowly fades in sounds of airplane coming. She runs in fear as the lights fade out. She come s back running, looking for a refuge.)
(Back to Felisa, she listens to her brother.) Ano? Binigyan ka nila ng baril?… Di ba sinabi ko sa iyong huwag kang sumali sa CAFGU-CAFGU dahil gagawin lang kayong tagabantay ng rantso sa unahan? Nakakatakot!… Ba’t ba ayaw mo akong paniwalaan? Oo, nagtatago sila para sa kanilang kaligtasan… Security guard o CAFGU, pareho lang sila. (Looks up and finds that her brother is no longer there.) Udo! Udo! (Runs afer him!) Ibalik mo ang baril. Ibalik mo! (Pauses and feels the labor pain.) Aray! Ang sakit… Udo…
(Felisa, carrying her baby and transistor radio, enters, looking for her brother.)
FELISA: Udo! Udo! Sus, Ginoo! Nasaan na kaya ang aking kapatid? (Notices the young girl, approaches her, then sits on a rock.) Magandang hapon! Be, may dumaan bang taong may dalang baril dito? Nakababatang kapatid ko yon. Kailangang maibalik niya ang baril na hindi kanya dahil… (About to nurse her baby but…) Inday! Aduy! Sapay aggurigorka? (Bakit nagbabaga ka sa init?) (Hysterically approaches the young girl.) Be! Be, ang aking anak!
(Runs in panic.)
FELISA: Tulong! Ang aking anak… Tabaaang! Doktor…
(As Felisa runs away then enters again, weary and beaten from her long search.)
(All throughout, Igay watches.)
FELISA: Udo! Udo! (Switches on her radio. Listens for a while then remembers the young girl and calls on her.) Be! Be! (Tries to look for Igay but can’t find her.)
FELISA: (Stares at nothing. Then slowly, she tells her story.) Isinublik dadiay anakkon idiay balayen. (Ibinalik ko sa bahay ang aking anak.) Naalala ko’ng gamot na ibinigay ng health center noong isang taon. Dinikdik ko’t tinunaw para mainom ng aking anak. Maya-maya, bigla siyang nanginig. Bumaliktad ang kanyang mga mata, puti na lang ang nakikita. Nataranta ako. Pinunasan ko siya ng mainit na tubig, hinaplusan ng damo. Agkanta iti pampaturog. (Inawitan ng oyayi.) (Sings a lullabye) Tapos nakatulog siya. Nakatulog din ako. Umaga na nang magising ako. Malamig, niyakap ko ang aking anak. Ngunit…kasinglamig na rin siya ng hangin. Pagkatapos ng libing, may nakapagsabi sa aking binawian ng mga rebelde si Udo ng baril. Lumaban siya kaya… pinatay daw siya ng mga bagani. At ngayon may nakapagsabi rin na ibinalita raw sa radyo ang pagkadakip ng mga sundalo sa aking asawa. Hah! Hindi nila madadakip ang aking asawa. Limang taon na siyang nagtatago mula nang gustong agawin nila ang aming lupa para gawing rantso. Ano? Naloloko ba sila? Saan kami magtatanim kung ibibigay namin? Kaya pinagbintangan nila ang aking asawang nagnakaw ng kanilang baka para maging wanted. (Laughs bitterly.) Hahaha! Ngunit ngayon, kalbo na ang bundok Sinaka. (Remembers the news, switches on the radio.) Naku, ano na kayang balita?
(Igay suddenly comes out from where she has been hiding and cries.)
IGAY: Aaayyyay kow di!
(Felisa is shocked as she hears Igay’s cry. Igay starts humming and singing part of a song she learned from her mother, then starts telling her story.)
Warad nasama (Nothing is left)
Napuilon kas tapoy na balaan upban to kaubad-dan (The once-sacred home of our race burned to ashes)
Layon tag karinag (This pain)
Binabalan tu tarabusaw (Brought by the evil force BUSAW)
Maanit na kag pamihis (Will soon worsen)
OWEY!
Warad nasama (Nothing is left)
Gawas tad-do mga apos to kayo uway kabayan (Saved for singed wood and stilled houses)
Layon tag karinag (This evil pain)
AYOKOYOOY!
Naalala ko noon… Narinig ko si ama at ina. Bibilhin daw ang aming lupa upang gawing kalsada para sa minahan. Hindi pumayag si ama. Isang araw pagkatapos ng ani, may dumating na mga tao. May baril. Napakarami nila, halos hindi mabilang ng mga daliri ng aking mga kamay at paa. Hinahanap nila, mga rebelde. Sabi ni ama, walang rebelde rito. Ngunit, sabi nila, rebelde raw kami. Kinuha nila ang aming mga hayop. Tapos, sinunog nila ang aming mga bahay. Nagkagulo kami… Nahuli ako ng isa sa mga sundalo. Hinubaran, sinunog ang aking likod ng sigarilyo. Tapos, hinila niya ang aking paa at tinitigan ako nang husto. Yung titig na parang hayup. Pero bigla siyang tinaga ni ina. Tapos, pinatakbo ako ni ina. Tumakbo ako nang tumakbo. Kinabukasan, bumalik ako. Nakita ko sila… ama at ina…. Ayyaya kow!
(Moved by the girl’s passion, Felisa hugs Igay and joins her cry with a chant. The cry and chant continue as Felisa adds a part of her own story.)
Felisa: Ang ama ko, datu. Noong bata pa ako, may dumating ding ilang mga taong may dalang baril sa amin. (Gusto nilang papirmahin si ama sa dala nilang papel ngunit hindi siya pumirma.) Dinala nila si ama. Mula noon hindi na namin siya nakita pa. (Ang nakita namin ay parang mga malalaking bahay na tumatakbo.) Yun ang mga buldoser. Binuldoser nila ang aming lupa. (Hiniwa nila ang aming lupa at nagtayo sila ng dam.) Wala na kaming nagawa kundi umurong dito sa natitirang gubat. Mula rito saan pa kami tutungo?
(Felisa takes the drum and plays a slow beat until it becomes defeaning. Igay feels a healing process by the sound of the drum, and begins to chant and dance with her hankies. Noticing Igay’s reaction, Felisa gives her the drum and Igay dances with it. Felisa takes the hankies. Glowing with so much passion and trust, discovering each other’s strength, the two draw their power from one another. Wanting to defend their tribes to the end, the moment comes for these women to unite in a singular intent: Continue their people’s struggle!
Gently, night gives way to dawn.)
END
Si Theresa Opaon ay isang manggagawang pangkultura mula sa Educational Discipline for Culture and the Arts ng Agusan. Naging miyembro siya ng Kaliwat at MCTN. Kasama sa kanyang mayamang karanasan ang pagtatanghal at pagbibigay ng workshop sa ibang bansa. Nakabase na siya sa
No comments:
Post a Comment